Yellow alert sa Luzon grid, lifted na ayon sa NGCP

Binawi na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert na naunang itinaas sa Luzon grid ngayong araw.

Ayon sa abiso ng NGCP, alas 4:55 ngayong hapon, lifted na ang yellow alert.

Ito ay dahil sa bumaba na ang demand sa kuryente.

Kaninang umaga inanunsyo ng NGCP ang pag-iral ng yellow alert sa Luzon grid mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Hindi naman na nagtaas ng red alert ngayong araw kaya hindi na kinailangang magpatupad ng rotational brownout.

Read more...