Ito ay kasunod ng pagtatapos ng pag-imprinta ng mga official ballot para sa May 13 elections.
Ayon kay Comelec Director Teopisto Elnas Junior, deputy project director para sa nalalapit na halalan, agad ipinadala ang mga balota sa nalalabing labing-pitong araw bago ang eleksyon sa susunod na buwan.
Nasa ikatlong araw na aniya ng pag-dispatch ng mga balota.
Ani Elnas, inuna ang pagpapadala ng mga balota sa kanilang itinuturing na priority areas kabilang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, Sulu, Basilan, Tawi-tawi at Batanes.
Matatapos aniya ang pagpapadala ng mga balota sa May 4.
Samantala, idinadaan ang mga balota sa verification at validation process bago dalhin sa iba’t ibang destinasyon.
Sinabi ni Elnas na tanging anim na milyong balota na lamang sa kabuuang anim na pu’t tatlong milyon ang dumadaan sa naturang proseso.