GetGo app ng Cebu Pacific naiayos na matapos ang unauthorized access

Inihayag ng Cebu Pacific na naibalik na ang ilan sa kanilang GetGo functionalities, Biyernes ng hapon.

Ito ay matapos mapasok ng unauthorized access sa server ng kanilang GetGo application noong araw ng Miyerkules, April 24.

Sa kanilang tweet, sinabi ng airline company na maaari na ulit ma-access ng publiko ang mga sumusunod:

– Member log-in sa Cebu Pacific website at CEB Mobile App
– Mapag-book sa pamamagitan ng Cebu Pacific website
– Makatanggap ng points para sa kanilang na-book na flight
– at, pag-check in sa kanilang flights

Samantala, patuloy pa rin naman ang pag-establish sa kanilang GetGo application server.

Nananatili pa ring sarado ang mga sumusunod:

– GetGo website
– GetGo Mobile App
– Points redemption
– at, Password reset sa GetGo at Cebu Pacific Mobile App at Website.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na nakikipagtulungan pa rin sila sa National Privacy Commission para sa isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

 

Read more...