Magkakasunod na malakas na pagyanig tumama sa General Luna, Surigao del Norte

(BREAKING) Magkakasunod na malalakas na pagyanig ang naitala ng Phivolcs sa General Luna, Surigao del Norte sa loob lamang ng wala pang isang oras.

Unang naitala ang magnitude 5.5 na lindol ala 1:26 ng hapon, ngayong Biyernes, April 26.

May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naital ang intensity II sa Surigao City at Gingoog City bunsod ng nasabing lindol.

Sinundan ito ng magnitude 4.2 na lindol ala 1:31 ng hapon at sa General Luna din ang epicenter.

Ala 1:34 ng hapon at ala 1:36 ng hapon, magkasunod na magnitude 3.0 at 3.9 ang naitala ng Phivolcs sa parehong bayan.

Ala 1:49 naman ng hapon nang muling maitala ang magnitude 4.4 na lindol at alas 2:04 ng hapon ay tumama naman ang magnitude 5.

Nasundan pa ito ng isang magnitude 3.8 na lindol alas 2:21 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs maari pang makaranas ng magkakasunod na aftershocks dulot ng naunang magntiude 5.5 na naitalang lindol.

Read more...