3.8 percent naitalang inflation rate para sa unang quarter ng 2019

Bumagal ang inflation o ang paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa unang quarter ng taong 2019.

Ayon Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, nakapagtala lamang ng 3.8 percent na inflation rate.

Mas mababa ito kumpara sa 5.9 percent na inflation rate na naitala noong 4th quarter ng 2018.

Pantay din ang naitalang 3.8 percent sa inflation rate na naitala sa unang quarter ng nakarang taon na 2018.

Ani Diokno, pasok na sa target ng gobyerno na 2 to 4 percent ang naitalang inflation.

Read more...