Albuera Leyte niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Albuera sa lalawigan ng Leyte.

Ayon sa Phivolcs naitala ang pagyanig sa 7 kilometers northeast ng Albuera, alas 10:44 ng umaga ng Biyernes, Apr. 26.

2 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ang Intensity III sa Ormoc City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...