Pinatalsik na alkalde sa Batangas ipinatawag ng Comelec

Pinasasagot ng Commission on Elections (Comelec) ang isang dating alkalde at kasalukuyang kandidatong vice mayor sa lalawigan ng Batangas kaugnay sa disqualification case laban dito.

Base sa summons ng Comelec First Division inatasan nito si dating Mataas na Kahoy, Batangas Mayor Jay Ilagan na sagutin ang kasong isinampa ng kalaban nito na si Henry Laqui.

Itinakda rin ng komisyon ang preliminary conference ngayong araw.

Sa reklamo ni Laqui inakusahan nito ang dating alkalde ng hindi pagsusumite ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa dalawang magkasunod na eleksyon noong 2013 at 2016.

Ang SOCE ay required isumite ng bawat kandidato matapos ang eleksyon manalo man ito o matalo.

Ang sinumang mabibigong maghain nito sa takdang panahon ay maaring maharap sa perpetual disqualification upang humawak ng posisyon sa gobyerno.

Nanalong mayor si Ilagan noong dalawang magkasunod na eleksyon subalit na-disqualified noong 2016 elections matapos kasuhan ng
rape at human trafficking sa Ormoc City ng isang 19-anyos na babae pero kalaunan ay napawalang-sala ng korte.

Read more...