9 arestado sa buy-bust operation sa Makati

Arestado ang siyam na katao sa ikinasang buy-bust operation sa Makati Cityi, Huwebes (Apr. 26) ng gabi.

Kinilala ng Makati police ang mga suspek na sina Michael Roxas, 49; Reneboy Glaudia, 27; Alvin Jison, 42; John Jison, 38; Richard Abujula, 46; Juanito Laboga, 40; Roberto Gozo, 42; Erwin Valeriano, 29; at Mary Joy Azaraga, 25.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek alas 8:45 ng gabi sa Marconi St. sa Brgy. San Isidro.

Nakuha mula sa mga suspek ang 27 sachet ng hinihinalang shabu, dalawang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, P300 buy-bust money, cellphone, at drug paraphernalia.

Ang walo sa mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang si Azaraga ay kakasuhan ng obstruction of justice ng mga otoridad.

Read more...