Water level sa Angat dam nasa 180.73m na lang

Patuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan.

Ngayong alas 6:00 ng umaga, nasa 180.73 meters n alang ang water level sa Angat dam.

Nabawasan ito ng .42 meters kumpara sa 181.75 na water level nito kahapon ng umaga.

Kaunti na lamang at maaabot na ng Angat dam ang low level nito na 180 meters.

Hindi naman nagbago ang antas ng tubig sa La Mesa dam sa nakalipas ng 24 na oras na ngayon ay nasa 68.48 meters gayundin ang Ipo dam na mayroong water level na 100.99 meters.

Ang Binga at Magat dam ay kapwa nadagdagan ang water level habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.

Read more...