Isinisi sa calculation error ang maling bilang ng nasawi.
Ayon kay Sri Lankan Deputy Defence Minister Ruwan Wijewardene, nagbigay ng maling datos ang mga morgue.
Sinabi pa ng pinuno ng Ministry of Health Services na ang pagkakalasog-lasog ng mga katawan ay nagpahirap din para makapagbigay sila ng eksaktong datos.
Kahapon, araw ng Huwebes ay nakumpleto na ang lahat ng autopsy kaya’t lumabas na ang ilang biktima ay nabilang ng higit sa isang beses.
Karamihan sa mga nasawi ay Sri Lankans ngunit dose-dosena rin ang banyaga.
Samantala, nagbitiw na sa pwesto kahapon si Sri Lankan defense secretary Hemasiri Fernando dahil sa pagpalya ng intel.
Nasa 70 katao na ang naaresto na sinasabing may kaugnayan sa pagsabog.