FIFA: 8 players ‘ban for life’ dahil sa match-fixing

Naglabas ang FIFA ng walong lifetime ban laban sa mga kasalukuyan at dating players at sa isang agent dahil sa pagiging guilty sa pagmanipula ng laro.

Kabilang sa pinagbawalang maglaro ng habambuhay sina dating Sierra Leone captain Ibrahim Kargbo at ex-Trinidad and Tobago defender Keyeno Thomas.

Suspendido ang mga ito sa lahat ng football-related activities dahil sa umanoy pandaraya sa laro sa international level.

Banned din ang mga dating players mula Benin, Afghanistan at Cuba gayundin ang isang agent mula sa Zimbabwe.

Pinatawan naman si Kenyan defender George Owino ng 10 taong ban at pinagbabayad ng multang 15,000 Swiss francs o mahigit 13,000 euros.

Ayon sa FIFA, ang desisyon ay matapos ang malawakang imbestigasyon sa iba’t ibang international games na tinangkang manipulahin ni Singaporean Wilson Raj Perumal na isang convicted match-fixer.

Read more...