Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Taguig City Police, PDEA-NCR at Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO ang higit P1.1 milyong pisong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Brgy. Napindan, Taguig City alas-12:30 ng hatinggabi ng Biyernes.
Naaresto sa operasyon ang apat na suspek na nakilalang sina Joseph Marcelo, Ronald Kerwin Bustos, Anthony Cruz at Robert Saligan.
Ayon sa Taguig Police, ang mga suspek ay miyembro ng isang gang na sangkot sa kalakalan ng droga at nasa watch list ng Southern Police District.
Nag-ooperate ang naturang gang sa southern part ng Metro Manila.
Maliban dito, ang apat ay konektado rin sa High Value Targets sa lungsod na sangkot din sa kalakalan ng bawal na gamot.
Dati nang naaresto ang mga suspek dahil pa rin sa illegal drug trade ngunit na-dismiss ang kanilang mga kaso.
Nakuha mula sa apat ang anim na magkakaibang sukat ng plastic sachet ng shabu na may bigat na 165 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P1,122,000.
Narekober din ang buy bust money, mga baril at isang granada mula sa mga suspek.
Mahaharap ang mga ito ngayon sa iba’t ibang kaso ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Narito ang buong report: