Ito ang inamin ng tiyahin ng biktima matapos umanong makonsyensya ito sa kanyang ginawa habang iniimbestigahan ng Pasig City police ang kaso.
Inamin ni Annalyn Perez, tiyahin ng 12-anyos na Grade 8 pupil ng LSGH na siya ang may pakana ng pangingikil sa mga magulang ng bata sa pamamagitan ng pagkuha ng serbisyo ng isang lalake na nakilala sa alyas ‘Billy’ na nagpanggap na holdaper.
Una rito, sa unang kuwento ni Perez sa mga otoridad, Linggo ng gabi sa loob ng parking lot ng paaralan ay biglang pumasok ang isang lalake sa loob ng kanyang , at tinukan umano ng matulis na bagay ang 12-anyos niyang pamangkin.
Humihingi umano ng 100,000 piso ang suspek kapalit ng ligtas na pagpapalaya sa bata.
Kinontak umano ng suspek ang mga magulang ng bata na nangakong magbibigay ng P40,000 kapalit ng buhay ng biktima.
Pinalaya lamang ang biktima at si Perez sa Tiendesitas sa Pasig City makaraang maibigay ng pamilya ang napagkasunduang halaga.
Gayunman, habang iniimbestigahan ang kaso, biglang umamin ang tiyahin ng bata na si Perez siya ang nagplano ng lahat.
Nagawa niya umano ang pangingikil dahil kailangan nito ng pera upang ipampagamot sa isang kamag-anak na maysakit.
Ang tiyahin ng bata ay pinsan ng ina ng biktima.
Dahil dito, nahaharap sa kasong robbery in relation to Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” ang tiyahin ng 12-anyos na estudyante.
Samantala, pinaghahanap naman ang ‘alyas Billy’ na kasabwat ng suspek.