Video ng pulis na kinakaladkad ng sasakyan, viral sa internet

 

Mula sa FB/Omet Ordnas

Umaani ng maraming views sa social media ang video clip ng isang pulis na nakaladkad ng isang sasakyan matapos humarurot ang motoristang kanyang kinukuwestyon dahil sa isang traffic violation sa Makati City.

Sa video na in-upload ng isang Omet Ordnas, makikita na tinatanong ng mga tauhan ng Makati City police ang isang hindi nakilalang lalake na driver ng isang pick-up.

Nasangkot umano sa insidente ng banggaan ang naturang pick-up sa The Fort sa Taguig City ngunit tumakas ang driver hanggang sa maabutan ito ng mga pulis-Makati sa Barangay Poblacion. Maririnig sa video na pinakikusapan ng mga otoridad ang hindi nakilalang driver na pansamantalang bumaba upang pag-usapan ang insidente ng banggaan ngunit tumatanggi ito.

Sa halip na sumunod, nag-ingay pa ang driver sa pamamagitan ng pagbusina ng paulit-ulit.

Nang tangkaing buksan ng mga pulis ang sasakyan, dito na pina-arangkada ng driver ang sasakyan at makikita na nakaladkad ng ilang metro ang hindi nakilalang alagad ng batas.

 

https://www.facebook.com/jomer.sandro.75/videos/1526835680968971/

Read more...