Kinumpirma ni Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado na kabilang ang chairman at founder of the LausGroup of Companies, na si Liberato “Levy” Laus ay kabilang sa tatlong namatay sa nag-crash na helicopter sa Malolos, Bulacan.
Pasado ala-una ng tanghali kanina nang bumagsak sa isang palaisdaan sa Barangay Anilao ang chopper na may body number na RP C8098.
Pag-aari ng LGC Air Transport ang nasabing chopper na kabilang rin sa mga kumpanyang pinamamahalaan ng nasabing biktima.
Ang 68-anyos na si Laus ay chair emeritus ng Pampanga Chamber of Commerce and Industry.
Kilala rin siya bilang pinuno ng iba’t ibang mga non-government organizations sa lalawigan.
Ang Laus Group of Company ay naunang nakilala bilang dealer ng ilang malalaking brandname sa automotive industry partikular na sa Central Luzon.
Si Laus rin ang pangulo at chairman of the board ng Central Luzon Television (CLTV).