DOE: Luzon hindi dapat kinakapos sa suplay ng kuryente ngayong summer

Inquirer file photo

Aminado ang Department of Energy (DOE) na isang uri ng “extraordinary occurrence” ang kasalukuyang nagaganap na kakapusan sa suplay ng kuryente.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni DOE Usec. Jesus Posadas na base sa kanilang mga hawak na data ay hindi dapat nagkaroon ng power outages noong April 11 hanggang 12 dahil sapat naman ang power generations ng mga power producer.

Sa pagtatanong ng mga kasapi ng Senate Committee on Energy ay sinabi ng opisyal na iniimbestigahan na nila ang nasabing pangyayari.

“Regrettably, what could not have been forecasted were the simultaneous unplanned outages of several power plants,” ayon kay Posadas.

Ipinaliwanag ng opisyal na biglang nagkasabay-sabay ang shutdowns ng ilang power generator kaya kinapos ang Luzon grid ng 1,502 megawatts gayung nauna na nilang nailabas sa forecast na mayroon pang reserba na 1,131 megawatts sa nasabing mga petsa.

Paliwanag pa ni Posadas, “The entire industry must share collective responsibility over what happened,” Posadas added, referring to DOE, the National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), Energy Regulatory Commission (ERC), distribution utilities and generation companies.

Read more...