Poe, hindi natinag sa pangunguna ni Duterte sa survey

 

Inquirer file photo

Hindi nasindak si Senador Grace Poe sa panibagong survey ng Social Weather Station kung saan naungusan na siya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Poe, iginagalang niya ang resulta ng SWS survey. Paliwanag ng senadora, gagamitin nya itong gabay para magpaliwanag sa taumbayan.

Aminado si Poe na posibleng nakaapekto sa SWS ang decision ng Commission on Elections Second Division kung saan idineklara siyang disqualified sa eleksyon.

Naghain na aniya sila ng motion for reconsideration sa Comelec at umaasa syang titingnan ng mga miyembro ng komisyon ang kanilang mga iprinisintang ebidensya.

Iginiit ni Poe na nakatugon sya sa hinihinging residency requirements ng Saligang Batas para kumandidatong pangulo at isa siyang tunay na Pilipino.

Read more...