Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group patay sa engkwentro sa Basilan

Patay ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf sa engkwentro na naganap sa Basilan.

Ayon kay Brigadier General Fernando Reyeg, commander ng 104th Infantry Brigade ng Philippine Army, nangyari ang engkwentro sa Sitio Gipitan, Barangay Bohe Pahu sa bayan ng Ungkaya Pukan.

Matapos ang bakbakan ay nakita ang katawan ng apat na bandido at mga matataas na kalibreng armas mga bala at pampasabog.

Isinagawa ng mga tauhan ng 3rd Scout Ranger Battalion, 64th, at 18th Infantry Battalions ang operasyon laban sa mga bandido katuwang ang air at artillery assault units.

Target ng kanilang grupo ang mga tagasunod ni Furuji Indama.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga bandido.

Read more...