Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dismayado ang palasyo sa tugon ng Canada dahil bagaman may binuo na silang working group para ayusin ang problema, hindi naman tinukoy ng Canada ang eksaktong petsa kung kailan kukunin ang kanilang basura.
Giit ni Panelo, hindi na dapat na magpatumpik-tumpik pa ang Canada at kunin na agad ang kanilang basura ng dahil kung hindi ay itatapon ito sa kanilang dalampasigan.
Hindi aniya madadaan sa negosasyon ang paninindigan ng Pilipinas na ginawang garbage bin ng Canada ang bansa.
Ayon kay Panelo, bukod sa hindi pagdedesisyon agad ng Canada sa naturang usapin ay hindi man lamang ito nagpahayag ng pagsisisi.