Britney Spears may mensahe sa fans hinggil sa kaniyang mental health

Nagsalita na ang singer na si Britney Spears kaugnay ng kanyang kalusugan.

Ito’y sa ginta ng ispekulasyon na ikinulong siya sa isang mental facility para sumailalim sa rehabilitasyon.

Sa video na pinost sa Instagram account nitong miyerkules, sinabi ng 37-year old singer na nasa mabuti siyang kalagayan.

Aniya, alam niyang nabahahala ang mga fans tungkol sa kanyang kalagayan pero wala aniyang dapat ipag-alala.

Tiniyak pa nito na magbabalik siya sa pagkanta.

“Hi guys. Just checking in with all of you who are concerned about me. All is well. My family has been going through a lot of stress and anxiety lately, so I just needed time to deal, but don’t worry I’ll be back very soon.” Ani spears sa kanyang video message.

Noong isang araw, kumalat ang balita na iniipit si Spears sa isang “wellness center” ng labag sa kanyang kagustuhan.

May mga fans pa ng singer na sumugod sa city hall ng West Hollywood sa California na may bitbit na placard na nanawagan na palayain si Spears. Gumamit pa sila ng hashtag na #FreeBritney.

Kasama ng video ang caption na nagpapahayag ng pagka-dismaya sa mga bali-balita tungkol sa kanyang kalagayan.

Noong nakaraang linggo, kumalat ang balita na ipinasok sa isang mental facility ang singer matapos ma-ospitaL ang kanyang ama.

Kasunod nito ay kinansela ni Spears ang kanyang mga shows.

Read more...