Ayaw munang magbigay komento ni Sen. Win Gatchalian, ang namumuno sa komite, sa mga pagdududa na may sabwatan naganap kaya’t ilang beses na nawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Aniya hihintayin niya muna ang paliwanag ng mga stakeholders sa gagawing pagdinig.
Binanggit din ng senador na may hawak na siyang report mula sa Department of Energy (DOE) ngunit tumanggi itong ibahagi ang nilalaman ng ulat sa katuwiran na gusto niya na mismong mga opisyal ng kagawaran ang magpaliwanag.
Naniniwala din si Gatchalian na magiging sapat ang suplay ng kuryente sa araw ng eleksyon dahil aniya ito ay holiday at walang pasok sa mga kompaniya, pabrika at pagawaan.