Ayon sa health agency ng United Nations, ang mga batang edad 5 pababa ay dapat hindi lumalagpas sa 1 oras ang screen time kada araw.
Para naman sa mga sanggol o ang mga wala pang isang taong gulang ay dapat hindi talaga pinapayagan na mag-tablet, cellphone o mag-TV.
Wala namang inilahad na partikular na detalye ang WHO sa kung anong maaring maidulot sa bata ng pagbababad sa TV, tablet o cellphone.
Pero hinihimok ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na maging aktibo sa physical activities at tiyaking nakukumpleto ang tulog.
Ito ang unang pagkakataon na naglabas ng guidelines sa screen time para samga bata ang WHO.
Halos kahalintulad ang guidelines ng naunang alituntunin na inilabas ng American Academy of Pediatrics.
Sa naging rekomendasyon noon ng AAP, ang mga batang edad 18 buwan pababa ay dapat hindi payagan na magbabad sa screens.