LOOK: Burol ng pulis sa Antipolo na nasawi habang ginagampanan ang tungkulin binisita ni Albayalde

Bumisita si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Oscar Albayalde sa burol ng pulis-Antipolo na nasawi noong Martes (Apr. 23) habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin.

Kasama si Calabarzon Regional Police Office director, P/BGen. Edward Carranza, ginawaran ng ‘Medalya ng Kadakilaan’ ang yumaong si Patrolman Ariel Dapyawen.

Pinagkalooban din ng tulong-pinansyal ni Albayalde ang naulilang pamilya ng pulis.

Dinalaw din nina Albayalde at Carranza si Police Staff Sergeant Joseph Monjardin na nagpapagaling naman sa ospital matapos masugatan din sa nasabing operasyon.

Ginawaran naman si Monjardin ng ‘Medalya ng Sugatang Magiting’.

Binigyan din ng pinansyal na tulong si Monjardin at isang unit ng baril.

Sina Dapyawen at Monjardin ay bahagi ng team mula sa Antipolo police na nagkasa ng buy-bust operation noong Martes sa Sitio Sagipin at Mapayapa sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Nasawi din sa nasabing operasyon ang dalawang suspek na sina Celeste Lajota at Ranie Lajota.

Read more...