Filipino singer na si Jej Vinson pasok sa top 24 ng The Voice US

Pasok sa top 24 ng “The Voice” US ang Filipino singer na si Jej Vinson matapos ang kaniyang mahusay na rendisyon ng “Versace on the Floor”.

Sa Cross Battle round hinarap ni Vinson na nasa team ni Kelly Clarkson ang contestant na si LB na nasa team naman ni Adam Levine.

At nang ianunsyo ang final 24 contestants ay napasama dito si Vinson matapos na makakuha ng sapat na boto mula sa publiko.

Ibinahagi ni Vinson ang balita sa kaniyang Instagram account kalakip ang larawan habang yakap si Clarkson.

Nagpasalamat si Vinson kay Clarkson at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kaniya.

https://youtu.be/2PgvKrZVJxw

Read more...