Sa kanilang petition for mandamus, partikular na hiniling ng grupo nina dating Comelec lawyer Melchor Magdamo at IT expert Nelson Celis na payagan ang mga botante na kunan ng litrato ang kanilang voter’s receipt sa bawat presinto para ito ay ma-audit.
Iginiit ng mga petitioner na hindi krimen at walang batas na nagbabawal na kuhanan ng larawan ang pangyayari at insidente sa loob ng polling precincts at maging ang balota.
Binanggit ng grupo ang Omnibus Election Code Section 179 na pinapahintulutan ang mga watchers na kuhanan ng litrato ang mga kaganapan sa eleksyon.
Naniniwala rin ang mga petitioners na karapatan mga botante na maitago ang kanilang voter’s receipt.
Taliwas naman ito sa desisyon ng Korte Suprema ukol sa voter’s receipt na nagsasabing isang election offense ang paguuwi ng VVPAT dahil isa itong official election document o paraphernalia.