Kim Jong-un dumating na sa Russia para sa summit nila ni President Vladimir Putin

Nakarating na sa Russia si North Korean leader Kim Jong-un matapos ang mahabang biyahe sakay ng tren para sa summit nila ni Russian President Vladimir Putin.

Sa pahayag ni Kim sa state-owned media sa Russia, sinabi nitong umaasa siyang magiging matagumpay at mabunga ang kaniyang pagbisita sa bansa.

Ito ang unang pagkakataon na pagbisita ni Kim Russia bilang North Korean leader.

Noong 2011, ang kaniyang yumaong ama na si Kim Jong il ay bumisita sa Russia.

Mula sa Khasan train station kung saan huminto ang sinasakyang tren ni Kim ay dumeretso ito ng biyahe patungo sa Russia Pacific port city na Vladivostok kung saan magaganap ang summit.

Read more...