1 patay, 1 arestado sa buy-bust sa Valenzuela

Photo: Valenzuela Police
Patay ang isang lalaki habang arestado ang kaniyang live-in partner sa ikinasang buy-bust operation sa Malinta, Valenzuela City.

Kinilala ang nasawing suspek na si Oliver Pabaya, 37 anyos tricycle driver, at nadakip naman ang kaniyang kinakasama na si Ma. Cristina San Miguel, 30 anyos.

Ikinasa ng mga tauhan ng Valenzuela City Station Drug Enforcement Unit ang operasyon laban sa mga suspek katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa halip na sumuko ay pinaputukan ni Pabaya ang mga pulis dahilan para mauwi sa engkwentro ang operasyon.

Dinala pa sa Valenzuela Medical Center ang suspek pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa lugar ang isang kalibre 38 na revolver na mayroong mga bala, hindi pa matukoy na dami ng hinihinalang shabu, at buy bust money.

Read more...