Duterte at Xi, pag-uusapan ang agawan ng teritoryo sa pulong sa China

Pag-uusapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang agawan ng teritoryo sa West at South China Sea sa Second Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, ang West Philippine Sea ay isyu sa gitna ng tensyonadong diplomatikong usapan ng Pilipinas at China.

Ito anya ay dahil sa patuloy na mga aktibidad ng mga barko ng China kabilang ang militia vessels sa mga islang sakop ng Pilipinas.

“West Philippine Sea has been the subject of very tense diplomatic discussions…The two leaders usually do a general review of the situation of the bilateral relation, including the situation of the South China Sea and our concerns in the West Philippine Sea,” ani Sta. Romana.

Umaasa si Sta. Romana na ang bilateral meeting sa pagitan nina Duterte at Xi ay magpapahupa ng tensyon sa pinag-aagawang mga teritoryo.

“That is our hope. That is our goal — to ease the tension in the West Philippine Sea, to maintain peace and stability in the area, to avoid miscalculation, to prevent conflict,” dagdag ng opisyal.

Pero sinabi ni Sta. Romana na sa kabila ng tensyon ay umaasa ang dalawang bansa na mareresolba ang isyu sa diplomatikong paraan.

Pinakahuling iprinotesta ng bansa ang iligal na presensya ng Chinese maritime militia sa West Philippine Sea at ang mass harvesting ng mga giant clams sa Scarborough Shoal.

Read more...