Jessy Mendiola, sinorpresa si Luis Manzano ng birthday party

Luis Manzano IG

Pinagsama-sama ng aktres na si Jessy Mendiola ang pamilya at mga kaibigan ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano para sa isang sorpresang birthday party.

Sa kanyang vlog ay ibinahagi ni Jessy ang highlights ng reggae-themed rooftop birthday party ni Luis.

Nagdiwang ang aktor ng kanyang 38th birthday noong April 21.

Pinasalamatan naman ni Luis si Jessy sa ginawa nitong sorpresa.

Ayon sa aktor, ang lupet ng kanyang kasintahan dahil napagsama-sama nito ang lahat ng mga malalapit sa kanya.

Sobra umano ang kaligayahan ng binata sa birthday party na inayos ng dalaga.

Sa video ay makikita ang ama ni Luis na si Edu Manzano na isa sa mga dumalo sa party.

Nasa ikatlong taon na ang relasyon nina Jessy at Luis.

Read more...