Kaligtasan ng mga kawani ang dapat na prayoridad ng mga kompaniya ayon kay Senator Joel Villanueva

Joel Villanueva Facebook

Pinaalalahanan ni Senator Joel Villanueva ang lahat ng mga kompaniya na ang kaligtasan at kapakanan ng mga kawani ang palaging prayoridad.

Ang pagpapaalala ng senador ay nag-ugat sa mga ulat na kasabay nang pagtama ng 6.1 magnitude earthquake noong Lunes ng hapon, may mga kawani na hindi iniwan ang kanilang mga trabaho.

Sinabi ni Villanueva, malinaw ang nakasaad sa Occupational Safety and Health Law na dapat ay ginagarantiyahan ang kaligtasan ng mga kawani kapag sila ay nagta-trabaho.

Pinuna nito ang mga ulat na hindi pinalabas ang mga kawani ng isang mall habang yumayanig ang lupa at aniya personal niyang nasaksihan ang pagpapa-akyat sa mga kawani sa isang gusali na higit 20 palapag ang taas kahit hindi pa lubos na tiyak ang kaligtasan ng imprastraktura.

Umaasa si Villanueva na kikilos ang DOLE hinggil sa mga naturang ulat.

Read more...