Kinalampag ng mga kongresista ang Senado upang ipasa na ang batas na lilikha sa Department of Disaster Resilience.
Ayon kay House Committee on Disaster Management Geraldine Roman, naipasa na nila sa Kamara ang house bill 8165.
Hindi na aniya kailangang pang ipaliwanag sa panahon ngayon kung bakit kailangan ng bansa ang naturang ahenisya.
Sinabi naman ni Kabayan Rep. Ron Salo, isa sa pangunahing may akda ng panukala na kailangang madaliin na ng Senado ang pagpasa sa panukala.
Ito anya ay bilang tugon sa mga nararanasang kalamidad ng bansa.
Layon ng panukalang magkaroon ng punong ahensiya ng gobyerno na mangunguna sa patuloy na mangangasiwa sa paghahanap ng istratehiya at sistema upang mapigilan, mapaghandaan, matugunan, makarekober at rehabilitasyon sa tuwing may sakunang tatama.
October 1, 2018 ng ipasa ng Kamara ang kanilang bersiyon at sa ngayon ay nakabinbin pa rin sa Senate Committee on National Defense and Security.