DNA samples mula sa murder weapon na ginamit sa pagpatay kay Christine Silawan, nagmatch sa suspek

Nagmatch ang DNA samples na kinuha mula sa gunting na ginamit sa pagpatay kay Christine Silawan sa sumukong suspek na si Renato Llenes ayon sa PNP.

Sa isang text message, kinumpirma ni PNP spokesman Coronel Bernard Banac na nakita sa isinagawang DNA examination ng PNP Crime Laboratory ang DNA ni Silawan at Renato sa nasabing gunting.

Ang 42 anyos na suspek mula sa Lapu-Lapu City ay umamin sa mga otoridad na gunting ang kanyang ginamit sa pagsaksak ng mahigit 30 beses sa katawan at pagbalag sa mukha ng dalagita.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ng 16 anyos na biktima sa isang abandonadong lote sa Bangkal, Lapu Lapu City na walang daming pang-ibaba, binalatan ang mukha, at tinanggal ang ilang bahagi ng katawan noong March 11.

Read more...