Senator Risa Hontiveros, pinuri ang higit bilyon pisong multa sa Manila Water

Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na kung talagang gugustuhin ay magagawa naman na pagmultahin ng MWSS ang Manila Water.

Kaugnay ito sa ipinataw na P1.13 billion penalty ng MWSS sa Manila Water dahil sa kabiguan nitong sumunod sa obligasyon na magbigay ng 24 oras na suplay ng tubig sa kanilang mga kustomer sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

Sinabi ni Hontiveros ang naging hakbang ng MWSS ay salungat sa naunang pahayag na wala itong kapangyarihan na disiplinahin ang water concessionaire.

Aniya pagpapatunay lang ito na may kapangyarihan ang ahensiya na obligahin ang Manila Water na tiyaking epektibong mapapagsilbihan ang kanilang mga kustomer at kapag sila ay nabigo ay maari silang pagmultahin.

Umaasa ang senadora na magsisilbing aral sa iba pang ahensiya ng gobyerno ang pangyayari para maayos nilang magawa ang kanilang mga mandato.

Ikinalugod na rin ni Hontiveros ang pangako ng Manila Water na babayaran ang multa.

Read more...