Every other day na blood test inamin ni Duterte

Inquirer file photo

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumasalang siya sa blood test kada ikalawang araw o every other day.

Sa talumpati ng pangulo kagabi sa 7th Union Asia-Pacific Regional Conference sa PICC, sinabi nito na ito ay dahil sa kanyang sakit na Buerger’s disease na nakuha dahil sa paninigarilyo noon.

Ayon sa pangulo, dahil sa Buerger’s disease, palagi na niyang kasama sa mga lakad ang kanyang doktor.

Dagdag ng pangulo, ayaw niyang mamatay sa sakit na Tuberculosis o lung cancer.

Bukod sa Buerger’s disease, inamin ng pangulo na nakararanas siya ng matinding sakit sa spine dahil sa aksidente sa motor at migraine.

Makaraan ang Holy Week ay nanatili sa Davao City ang pangulo dahil sa masamang pakiramdam.

Ngayong araw naman ay tumulak siya patungong China para dumalo sa Belt and Road Forum.

Read more...