Itinuro ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez ang Comelec na siyang may tanging kapangyarihan sa pagdedeklara ng gun ban kaugnay sa gaganaping halalan sa buwan ng Mayo.
Ito ang naging tugon ni Marquez sa mga panukalang agahan ang panahon ng pagdedeklara ng election gun ban.
Batay anya sa mga umiiral na batas, sisimulang ipatupad ang gun ban sa January 10 at magtatapos naman sa June 8 o isang buwan matapos ang halalan.
Nilinaw rin ni Marquez na sasabayan nila ang gun ban ng mas mahigpit na pagpapatupad ng anti-crime campaign na lambat sibat.
Ipinatutupad ang gun ban sa tuwing panahon ng eleksyon para maiwasan ang mga karahasan na may kaugnayan sa halalan.
Nauna nang sinabi ng iba’t ibang mga political groups na dapat ay mas maagang ipatupad ang gun ban para mas matiyak na magiging mapayapa ang susunod na eleksyon.