Bagong pelikula nina Piolo Pascual at Lav Diaz itatampok sa Directors’ Fortnight ng 2019 Cannes Film Festival

Nakapasok sa line-up ng Directors’ Fortnight ng 2019 Cannes Film Festival sa France ang bagong pelikula ni Piolo Pascual na “Ang Hupa.”

Ang nasabing pelikula na pinamahalaan ni Direk Lav Diaz ay kasama sa 24 na pelikulang itatampok sa 51st Quinzaine des Réalisateurs.

Isa din ito sa tatlong napili mula sa Asia kasama ang pelikulang “Hatsukoi” (“First Love”) ni Takashi Miike at ang “Huo Zhe Chang Zhe” (“The Live to Sing”) ni Johnny Ma.

Bukod kay Piolo, kasama din sa pelikula sina Joel Lamangan, Shaina Magdayao at Pinky Amador sa ilalim ng Spring Films at ng Sine Olivia Pilipinas.

Hindi ito ang unang pagkakataon na itatampok sa prestihiyong festival ang pelikula ni Diaz.

Noong 2013 nakapasok sa main competition ang pelikulang “Norte, Hangganan ng Kasaysayan.”

Bukod kay Piolo, kasama din sa pelikula sina Joel Lamangan, Shaina Magdayao at Pinky Amador sa ilalim ng Spring Films at ng Sine Olivia Pilipinas.

Hindi ito ang unang pagkakataon na itatampok sa prestihiyong festival ang pelikula ni Diaz dahil noong 2013 ay nakapasok sa main competition ang pelikulang “Norte, Hangganan ng Kasaysayan.”

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sina Piolo at Diaz na unang nagkasama sa pelikulang “Hele sa Hiwagang Hapis” na sinundan ng “Ang panahon ng halimaw.”

Read more...