80 silid-aralan napinsala ng 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Luzon

Umabot sa 80 silid-aralan mula sa 108 mga paaralan sa Regions 3, IV-A at National Capital Region (NCR) ang nakitaan ng pinsala matapos ang 6.1 magnitude na tumama sa Luzon noong Lunes.

Ito ang datos na inilabas ng Department of Education (DepEd) matapos ang isinagawang inspeksyon sa mga school building at pasilidad sa mga lugar na naapektuhan ng malalkas na pagyanig.

Pero ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, karamihan sa mga pinsala sa mga paaralan ay minor lamang.

Ang mga napinsala ay bakod, pavements at kisame sa mga eskwelahan.

Wala ding nakitang major structural damages sa mga school building.

Tinataya namang aabot sa P120 million ang halaga ng pinsala sa mga paaralan.

Tiniyak naman ng DepEd na agad isasailaim sa repair ang mga nasira nang dahil sa lindol.

Read more...