Sa talumpati kagabi ng pangulo sa PICC Pasay City, sinabi nito na sangkaterbang letters of dismissal ang kanyang iiwan.
Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo kung sinu-sinong mga opisyal ng gobyerno ang kanyang sisipain sa pwesto.
Aminado ang pangulo na hindi siya masaya sa kanyang trabaho bilang presidente dahil sa talamak na korupsyon sa pamahalaan.
Wala aniya siyang magagawa kundi sibakin na lamang ang mga kurakot na opisyal.
Gayunman, kahit hindi masaya, nangako ang pangulo na tuloy pa rin ang kanyang pagtatabaho sa susunod na tatlong taon o hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022.
Una rito, nagbanta si Pangulong Duterte na hindi siya mag-aatubili na sibakin ang lahat ng opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System dahil sa aniya’y kapalpakan na paghandaan ang epekto ng El Niño kung kaya nagkaranas ng malawakang kakapusan sa suplay ng tubig sa Metro Manila at Rizal kamakailan.