Brownout sa Nueva Ecija, Albay at mga sineserbisyuhan ng Meralco posibleng ipatupad ayon sa NGCP

Dahil sa maghapong pag-iral ng red at yellow alert sa Luzon grid nag-abiso na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng posibilidad na browount.

Ayon sa NGCP, maaring makaranas ng brownout sa Nueva Ecija, Albay at sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Meralco.

Sinabi ng NGCP na maaring magpatupad ng Manual Load Dropping (MLD) dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon grid.

Ayon sa NGCP, maari din namang makansela ang power interruption kapag naging maayos ang suplay ng kuryente.

Hinikayat naman ng NGCP ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makabawas sa konsumo.

Read more...