Manila Water handang tumugon sa ipinataw na penalty ng MWSS

By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2019 - 09:54 AM

Tutugon ang Manila Water sa ipinataw sa kanila na penalty ng Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System matapos ang naranasang problema sa suplay ng tubig noong Marso.

Sa statement, sinabi ni Manila Water President at CEO Ferdinand Dela Cruz handa itong bayaran ang financial penalty na ipinataw ng MWSS.

Sinabi ni Dela Cruz na bagaman hindi naman ang Manila Water ang ugat ng naranasang kakapusan sa suplay ng tubig, handa silang harapin ang pananagutan nila sa nangyari.

Muli ipinaliwanag ni Dela Cruz na ang nangyaring kakapusan sa suplay ng tubig ay dahil sa hindi na sapat ang alokasyon ng tubig para sa Manila Water na nagmumula sa Angat Dam.

Taong 1997 pa ayon kay Dela Cruz nang ibigay ang 1,600 MLD na alokasyon ng raw water kung kailan 3 milyon lamang ang concessionaires nila sa East Zone.

Ngayon aniya ay nasa 7 milyon na ang sineserbisyuhan ng Manila Water sa East Zone.

Sa naging pasya ng MWSS board, pinatawan ng P534.05 million na penalty ang Manila Water dahil paglabag sa Section 10.4 ng Concession Agreement.

Pinaglalaan din ang Manila Water ng P600 million para sa development ng bagong medium hanggang long term water source sa East Zone.

TAGS: East Zone, manila water, Metro Manila, mwss, Rizal, water crisis, Water supply, East Zone, manila water, Metro Manila, mwss, Rizal, water crisis, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.