Manila Water pinagbabayad ng P1.13B ng MWSS matapos ang naranasang krisis sa suplay ng tubig

Pinagbabayad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng mahigit P1 bilyon ang Manila Water matapos ang naranasang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal noong Marso.

Aabot sa P1.134 billion ang iniutos ng MWSS board na dapat bayaran ng Manila Water.

Sa nasabing halaga, P532.05 million ang multa habang P600 million naman ay gagastushin para makapagpagawa ng bagong water supply source.

Ang nasabing kautusan ay bahagi ng sanction ng MWSS laban sa Manila Water matapos ang water shortage.

Ayon sa MWSS nilabag ng Manila Water ang kanilang obligasyon sa ilalim ng concession agreement na makapagbigay ng tuluy-tuloy na serbisyo sa kanilang customers sa east concession zone.

Read more...