North Korean leader Kim Jong-un nagtungo sa Russia para sa summit nila ni Putin

Nagtungo ng Russia sakay ng tren si North Korean leader Kim Jong-un para sa unang summit nila ni President Vladimir Putin.

Lulan ng special train si Kim nang umalis ng North Korea patungong Russia ayon sa ulat ng Korean Central News Agency.

Gaganapin ang summit sa Vladivostok Russia.

20-oras na tinatayang tatagal ang biyahe ni Kim galing Pyongyang.

Kasama ni Kim ang kaniyang mga opisyal sa pagtungo sa Russia.

Read more...