Avengers: Endgame maagang pinilahan sa SM North EDSA

Madaling araw pa lamang pila na ang mga manonood ng Avengers: Endgame sa SM North EDSA.

Ngayong araw ang unang showing ng Endgame sa Pilipinas.

Alas 4:30 ng umaga may mga nakapila na para unang screening Endgame sa naturang mall.

Sa IMAX kasi ng SM North EDSA alas 6:01 ng umaga ang oras ng unang showing ng Avengers.

Susundan na ito ng 9:15am, 12:30PM, 4:15PM, 11:55PM at 3:30 ng madaling araw kinabukasan

Para sa regular cinema naman ng SM North EDSA, alas 6:30 ng umaga ang unang palabas ng Avengers: Endgame at susundan na ito ng sunud-sunod na showing sa maghapon hanggang madaling araw.

Lahat ng Cinema 1 to 11 ng SM North EDSA ay Avengers: Endgame ang palabas.

Una nang sinabi ng SM Supermalls na marami sa kanilang sinehan ang magbubukas ng 24 oras para ma-accommodate ang Avengers fans.

Lahat din ng kanilang sinehan sa buong bansa ay Avengers: Endgame lang ang ipapalabas mula ngayong araw hanggang sa Linggo, April 28.

Read more...