Pradesh, India niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ngayong umaga ang Pradesh sa India.

Ayon sa US Geological Survey naitala ang pagyanig sa layong 180 kilometers southwest ng Itanagar.

Naramdaman ito ala 1:45 ng madaling araw sa India, alas 4:15 naman ng umaga kanina oras sa Pilipinas.

Tinatayang nasa 1.2 million ang populasyon sa Pradesh.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung nagdulot ng pinsala ang malakas na pagyanig.

Read more...