Ilang stalls nasunog sa Brgy. Parang sa Marikina City

Tinupok ng apoy ang bahagi ng palengke sa Barangay Parang sa Marikina City.

Ilang stalls ang nasunog sa kanto ng CM Recto Street matapos na sumiklab ang apoy dakong ala 1:39 ng madaling araw.

Ayon sa Marikina City Fire Bureau, sa stall na tindahan ng Ukay Ukay nagsimula ang sunog at nadamay ang mga katabi nitong stall.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog na agad din namang naapula makalipas ang halos isang oras.

Alas 2:05 ng madaling nang ideklarang fire out na ang sunog.

Tinatayang aabot sa 50,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Read more...