Ayon sa Phivolcs, as of alas 4:00 ng madaling araw kanina, 64 na ang naitalang aftershocks at 3 dito ang naramdaman.
Ipinaliwanag naman ni Phivolcs Seismology Department OIC Ismael Narag kung bakit sa kabila ng mas malakas ang lindol na tumama sa Visayas kumpara sa Luzon ay hindi ito gaang naging mapaminsala.
Ayon kay Narag, mas malalim kasi ang tumamang lindol sa Visayas pero mas malawak ang sakop nito dahil naramdaman ito hanggang Bicol.
Dahil sa may kalaliman, inaasahan din na mas kaunti at mas mahihina ang maidudulot nitong aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES