Emilio Aguinaldo College nakatakdang mag-resume ng klase sa susunod na linggo

Nakatakdang mag-resume ng mga klase sa susunod na linggo ang Emilio Aguinaldo College (EAC) matapos humilig ang eskwelahan sa katabing gusali dahil sa lindol.

Sa kanilang Facebook post, ang tentative na pagbabalik ng mga klase sa EAC sa lahat ng antas ay sa Lunes April 29.

Sinagot naman ng kolehiyo ang tanong kung bakit magre-resume ang mga klase sa kabila ng kundisyon ng EAC bunsod ng lindol.

Ayon sa eskwelahan, may ibang gusali na pwedeng pagdausan ng mga klase.

Una irito ay inutos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi na gamitin ang gusali dahil sa pinsala ng pagyanig.

Read more...