Clark Airport magbubukas nang muli ngayong araw

Matapos ang magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon ay balik-operasyon na ang Clark Airport simula ngayong Miyerkules ng hapon.

Sa isang statement, sinabi ni Clark International Airport Corporation President Jaime Melo na ‘structurally sound’ ang kanilang terminal at tower.

Business as usual na anya ang paliparan mula sa counters hanggang manifest at hanggang boarding gates.

Sa ngayon anya ay ‘fully restored’ na ang kanilang power, flight information systems at CCTVs.

Patuloy naman ang clearing operations at pagsasaayos sa pre-departure area at bahagi ng kisame na bumagsak.

Pinayuhan naman ni Melo ang publiko na makipag-ugnayan sa mga airlines para sa kumpirmasyon ng kanilang flight schedules sa paliparan.

Read more...