PNP, umaasang walang nasawi sa lindol sa Eastern Samar

Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na walang mapapaulat na nasawi sa tumamang malakas na lindol sa Visayas at Bicol region.

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, sa ngayon, wala pang natatanggap na ulat ng pagkasawi ang kanilang tanggapan hinggil sa lindol.

Patuloy pa aniya ang pagkalap ng mga ulat mula sa iba’t ibang istasyon ng pulis.

Naramdaman ang magnitude 6.5 na lindol sa ilang parte ng Leyte, Samar at maging sa mga lungsod sa Region 5 o Bicol region.

Read more...