Base sa paunang ulat na natanggap ng kagawaran, wala namang mga planta ng kuryente sa Visayas ang napinsala.
Maging ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay sinusuri rin ang transmission facilities sa rehiyon.
Nabatid na nawalan ng kuryente sa ilang lugar sa Northern Samar, Eastern Samar at Calbayog City.
Samantala, ang National Electrification Administration (NEA) naman ay patuloy din nakikipag-ugnayan sa mga electric cooperatives.
Patungo na ang mga tauhan ng Leyte Electric Cooperative II sa isang feeder na nagkaroon ng supply tripping.
Ang mga lugar na sineserbisyuhan naman ng Eastern Samar Electric Cooperative ay nawalan ng kuryente bunga ng lindol.
Ngunit 3:00, Martes ng hapon, pinagana na ang Nato substation at naibalik na ang kuryente sa mga bayan ng Can-avid, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Arteche at Jipadpad.